Nang Makita Ka

Regine Velasquez

Di na sana tayo'y
Nagkita pa muli at nagsama
Isang tingin mo lang
Biglang bumabalik
Ang damdamin ko sa iyo

Kay sakit isipin
Na may mahal ka nang iba
Puso mo'y nagbago na
Sana'y 'di mo napansin ang luha sa aking mga mata
Nang makita ka
Nang makita ka

Kay tagal na panahon tayo'y nagkalayo
Ngayo'y muling nagkatagpo
Ayoko nang masaktan
Kaya'y iiwas na
Di na lalapit pa

Kay sakit isipin
Na may mahal ka nang iba
Puso mo'y nagbago na
Mangarap man ay walang mararating
Ngunit bakit umaasa pa rin
Nang makita ka
Nang makita ka

Kay sakit isipin
Na may mahal ka nang iba
Puso mo'y nagbago na
Mangarap man ay walang mararating
Ngunit bakit umaasa pa rin
Nang makita ka
Nang makita ka